Limang pasahero at drayber ng van nakaligtas matapos mahulog sa bangin sa Benguet  ang kanilang sinasakyan

Ginagamot na sa Benguet General Hospital ang drayber at kanyang limang pasahero matapos na makaligtas nang mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Sitio Tigil, Sagpat, Kibungan, Benguet.

 

Ayon kay PNP Cordillera Administrative Region Spokesperson Police Major Carolina Lacuata, alas 10:00 ng umaga kanina sakay ng isang pampasaherong L300 Van na may plate number UTA 308  na minamaneho ng isang Samuel Dolin ang limang pasahero patungo sa Baguio City nang magkaproblema ang sasakyan.

 

Tuloy tuloy itong nahulog sa bangin na may lalim na 50 metro.


 

Maswerteng natulungan agad ang mga biktima at unang isinugod sa Kibungan Rural Health Unit bago inilipat sa Benguet General hospital.

Facebook Comments