Sumasailalim pa rin sa strict monitoring ng DOH ang limang pasyenteng unang na-confine subalit nakalabas na ng ospital dahil sa novel corona virus.
Kaugnay nito, bukas, magkakaroon ng high-level meeting ang Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Naka hightened alert na ang Bureau of Quarantine at mayroong constant coordination sa lahat ng mga ports of entry ng bansa para sa mahigpit na border surveillance.
Tiniyak din ng DOH na nakahanda ang mga health facilities nito at handang tumanggap ng mga person under investigation na kumpirmadong may 2019 NCov.
Sa ngayon 23 pang mga pasyente ang itinuturing na persons under investigation ng DOH ang naka admit pa rin sa mga pagamutan
18 ang nasa Metro Manila
4 sa Central Visayas,
3 sa Western Visayas
1 Mimaropa
1 Eastern Visayas
1 Northern Mindanao
1 Davao
Mahigpit naman na pinapayo ni Health sec Francisco Duque III na panatilihin ang malakas na resistensya, palaging uminom ng tubig, kumain ng mga masustansyang pagkain at panatilihin ang kalinisan.