Limang probinsiya sa Luzon na major concern sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, tinukoy ng OCTA Research group

Tinukoy ng OCTA Research group ang limang probinsiya sa Luzon sa major concern sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA, kinabibilangan ito ng Isabela, Cagayan, Benguet, Bataan at Laguna.

Ito ay dahil sa critical level ng COVID-19 incidence rate, ICU utilization at positivity rate sa lugar.


Batay sa datos, naitala sa Benguet ang pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) na 53 cases sa bawat 100,000 population.

Kasunod nito ang Cagayan na mayroong 37.79; Isabela na may 36.43, Bataan na may 30.25 at ang Laguna na may 25.69.

Sa nasabing bilang, ang Isabela ang nagtala ng pinaka-kritikal sa ICU beds kung saan naabot na nito ang 94%, sinundan ng 92% ng Bataan, 90% ng Benguet; 87% ng Cagayan at 87% din ng Laguna.

Facebook Comments