Limang pulis na naipit sa bakbakan sa sa Marawi City, nasa ligtas na kalagayan na ayon sa PNP

Marawi City – Ligtas na ngayon ang limang pulis na una nang naipit sa bakbakan sa Marawi City.

Ayon sa joint task force marawi, binigyan na ng pagkain at gamot ang limang pulis.

kinilala ang lima pang pulis na nakaligtas na sina PO1 Esmael Adam, PO3 Ricky Alawi,PO1 Luma Lidasan, PO1 Ibrahim Wahab, PO1 Bernard Velariz.


Una rito, kinumpirma ni Chief Supt. Reugen Theodore Sindac, regional director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, na anim na pulis na nakatalaga sa marawi ang naipit sa bakbakan at hindi makalabas sa marawi dahil naubusan ng bala.

Kahapon aniya, nakatakas na ang isa sa kanila at nasa maayos ng kalagayan ngayon.
DZXL558

Facebook Comments