Station commander ng Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan, bago na

368

Caticlan – May bago na ngayong Station Commander ang Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan sa katauhan ni Lieutenant Commander Eric Ferrancullo.

Si Ferrancullo ay galing sa PCG-Antique at nag-assume ng bagong assignment sa Caticlan nito lamang buwan ng Mayo.


Sakop nito ang buong probinsya ng Aklan sa kanyang bagong assignment at isa itong malaking hamon sa kanya lalo na’t papasok na ang panahon ng bagyo.

Isa rin sa tinututukan ngayon ng PCG ay ang pagpapaigting ng seguridad sa mga pantalan at territorial waters ng probinsya katuwang ang Maritime Police at Task Force Boracay.

Samantala, pinaghahandaan na rin umano ng kanilang opisina ang Habagat season kung saan may mga nakalatag na silang preparasyon at isa na dito ang pag-deploy ng mga Coast Guard sa paglipat ng schedule ng bangka sa Tambisaan at Tabon Port.
DZXL558

Facebook Comments