Limang pulis, nakapasa sa 2016 Bar examinations

45

Manila, Philippines – Nakapasa rin sa 2016 bar examination ang limang pulis ng National Capital Region Police Office.

Kabilang dito sina PO3 David Corpuz , PO3 Aimee Sissay Cusain, Po3 Che Mayo Morales Guevara, PO2 Bien Pol Panahon at PO2 Benito Alba Jr.

Para kay NCRPO police director Oscar Albayalde – malaking tagumpay ito para sa kanilang hanay.

Nakatakda namang ilipat ng assignment ang limang pulis para magamit ang kanilang expertise sa batas.

Panawagan nito sa mga pulis na abogado na rin ngayon, manatiling mapagpakumbaba sa paglilingkod sa publiko at maging inspirasyon sa kanilang mga kapwa-pulis.

DZXL558

Facebook Comments