Limang sasakyang pandagat ng Russia, dumaong sa Manila Bay

Nakadaong sa Manila Bay ang limang sasakyang pandagat mula sa Russian Pacific Fleet para sa isang port call.

Ayon kay Commander Benjo Negranza, tagapagsalita ng Philippine Navy, ang Russian Navy contingent ay binubuo ng Corvette Gremyashchiy, dalawang submarine, Pechenga tanker at support vessel na Alatau.

Ang pagbisita sa bansa ng mga sasakyang pandagat na ito ng russia ay inilaan para sa regular na port replenishment at pahinga ng mga sakay nito.


Sinabi pa ni Negranza, ang pagdating ng Russian contingent sa bansa at ang accomodation at suporta na ibinibigay sa mga ito ay patunay ng magandang relasyon para maitaguyod ang maritime cooperation sa rehiyon.

Facebook Comments