Nananatiling mataas ang banta ng COVID-19 sa limang siyudad sa bansa.
Ayon sa OCTA Research Team, ang Makati City, Lucena City, Batangas City, Davao City, at Pagadian City ay ‘high risk’ areas dahil sa mataas na daily caseload at attack rate.
Ang mga provinces of concern na tinukoy naman ng OCTA Research Group ay ang Metro Manila, Davao del Sur, Quezon, Negros Occidental, Pampanga, Bulacan, Misasmis Oriental at Western Samar.
Anila, mataas ang kaso ang naitatala sa mga nabanggit na lalawigan, mataas din ang COVID-19 attack rate at malapit na ring mapuno ang hospital capacity ng mga ito sa kanilang komunidad.
Ang Metro Manila ay nananatiling episentro ng pandemya sa bansa.
Hinimok ng research team ang mga nabanggit na local at provincial government units na paigtingin ang testing, tracing at isolation.
Mahalaga ring mayroong epektibo at agresibong localized lockdowns at border controls.
Ang publiko rin dapat ay patuloy na sumunod sa minimum health standards na itinakda ng DOH.