Limang Sundalo ng 17th IB, Sugatan sa Sagupaan Laban sa NPA!

472

Sto. Nino Cagayan – Kumpirmado na lima ang sugatan sa mga sundalo ng 17th Infantry Batallion matapos na makipagsagupaan laban sa mga New Peoples Army o NPA sa Barangay Balanni, Sto Nino Cagayan.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, ang limang sundalo na Wounded In Action o WIA ay hindi pa maaring ipalabas ang kanilang mga pangalan base sa seguridad at patakaran ng Philippine Army maging sa kapakanan umano ng mga pamilya nito.

Maaring malaman ang mga karagdagang detalye nito sa mga programa ng DWKD 98.5 RMN Cauayan bukas.

Facebook Comments