Sto. Nino, Cagayan – Sugatan ang isang sundalo sa unang sagupaang naganap sa pagitan ng Alpha Company ng 17th Infantry Battalion at New Peoples Army o NPA kahapon sa oras na alas dyes y medya ng ng umaga sa Sitio Mureg, Barangay Balanni, Sto. Nino Cagayan.
Samantalang apat na sundalo ang sugatan sa sumunod na labanan kahapon ng tanghali sa nasabi ring lugar.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Surgent Gilbert Tadiwan, ang Public Information Non-Commission Officer ng 502nd Brigade , dalawang kampo ng NPA ang nilusob ng militar sa Balanni Cagayan matapos ang masusing pag-analisa sa mga naipaabot na presensya ng NPA sa lugar
Umaabot umano sa tatlumpong bilang ng NPA ang nakalaban ng magkahiwaly na grupo ng sundalo kung saan sa unang encounter ay pinangunahan ni Lieutenant Bryan Bartolome at sa pangalawang grupo ay si Lieutenant Karl Pelayo at umabot sa bente minute ang labanan
Kasalukuyan pa rin ang isinasagawang clearing operation ng tropa ng 17th IB sa lugar kung saan hindi pa masabi sa ngayon kung may namatay o nasugatan sa panig ng NPA.
Samantala, ang mga sundalo na naging wound in action o WIA ay sina Surgent Michael Ammandang, Corporal Ronald Inggao, Private First Class Bobby Dona-al, Private Labrador Bambalan at Corporal Rodolfo Andres Jr. na nasa maayos na kalagayan na ngayon.