Limang sundalo kabilang ang isang Army lieutenant ang sugatan sa nangyaring roadside bombing sa bayan ng Datu Unsay sa lalawigan ng Maguindanao kaninang umaga. Ayon kay Chief Supt.Graciano Mijares, Police Regional Director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao isang suspected Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog dakong alas 7:30 ng umaga malapit sa Meta bridge sa barangay Meta sa Datu Unsay Maguindanao habang dumadan ang KM 150 truck ng mga sundalo galing ng Shariff Aguak patungo ng Cotabato City. Kinilala ang mga sugatang sundalo na sina 1LT. Jano Cyrill Reyes, team leader, PFC Maguncia, PFC Purol, PFC Crispo(driver), PVT Ramirez pawang kasapi ng 57th Infantry Battalion. Nangyari ang pagsabog 800 metro ang layo sa detachment ng 57th IB Alpha Company. Ang mga sugatang sundalo ay naka confined ngayon sa Maguindanao Provincial Hospital sa Shariff Aguak Maguindanao. Inako namang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter(BIFF) na sila ang responsable sa pagpapasabog ayon sa kanilang tagapagsalita na si Abu Misry Mama.(Amer Sinsuat)
Limang sundalo sugatan sa roadside bombing sa Maguindanao
Facebook Comments