5 sunog kada araw, naitala sa Metro Manila ngayong buwan!

Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) ng 5 insidente ng sunog kada araw sa Metro Manila ngayong buwan ng Pebrero.

Ito ang sinabi ni BFP-NCR PIO SUPT. Roy Quisto sa interview ng RMN Manila kaungay sa naitalang magkahiwalay na sunog kahapon na ikinasawi ng 5 katao.

Ayon kay Quisto, nanatiling mababa ang naturang datos kung ikukumpara sa 181 naitalang fire incidents o 6 na insidente ng sunog kada araw noong nakaraang buwan


Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagpapaalala ng BFP sa publiko na maging maingat sa banta ng sunog ngayong papalapit na ang tag-init na kadalasang maraming insidente ng sunog ang naitatala.

Facebook Comments