Limang suspek sa pagpatay kay dating Batangas Rep. Edgar Mendoza, hawak na ng PNP-CIDG

155

Hawak na ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang limang suspek sa pagpatay kay dating Batangas 2nd District Representative Edgar mendoza.

 

Ayon kay PNP-CIDG Director Brig General Joel Coronel, isasailalim pa sa imbestigasyon ang limang suspek para makahanap ng karagdagang ebidensya laban sa mga ito.


 

Aniya, posibleng away sa pera at legal dispute ang motibo sa pagpatay ng mga suspek na nahaharap na ngayon sa three counts of murder. Samantala, kumpirmadong sina Mendoza, drayber nitong si Ruel Ruiz at aide nitong si Nicanor Mendoza ang mga sinunog at namatay sa loob ng isang sasakyan sa bayan ng Tiaong Quezon noong January 9, 2020.

 

Paliwang ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, tumugma ang dna samples ng mga labi ng biktima sa dna samples na nagmula mismo sa kanilang mga anak.

Facebook Comments