Mataas na net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ipinagmalaki ng Malakanyang

281

Ipinagmalaki ng malakanyang ang mataas na net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalo sa 72 percent (excellent) sa huling bahagi ng taong 2019 batay sa Social Weather Stations Survey.


 

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, layunin ng administrasyon na makapagpatupad ng mga reporma at programang makatutulong sa sambayanang Pilipino.

 

Kabilang dito ang kontrata sa mga water concessionaires, patuloy na laban kontra iligal na droga at ang pagresolbe sa kahirapan ng bansa.

 

Maliban dito, sinabi ni Andanar na ipinapakita din ng survey ang pagkakaroon ng concern ng mga Pilipino kay Pangulong Duterte.

 

Ugali na kasi aniya ng pangulo ang pagiging maaasahan nito sa lahat ng bagay kaya maraming Pilipino ang napamahal na sa kaniya.

Facebook Comments