Limang Taong Gulang na Batang Lalaki, Patay Matapos Mabangga ng Kotse sa Gamu Isabela!

418

Gamu, Isabela – Patay ang isang batang lalaki kaninang umaga (November 25, 2018) matapos na aksidenteng mabangga ng kotse sa Junction ng Linglinga, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Jake Madayag Gannaban, limang taong gulang at residente ng Lenzon, Gamu, Isabela habang ang drayber ng honda civic ay kinilalang si Catherine Bautista Suralta, 44 taong gulang, may asawa at residente rin ng Lenzon, Gamu, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Gamu, nagkamali umano ng kalkulasyon ang drayber ng kotse habang papasok sa intersection ng nasabing lugar na nagresulta ng pagkakabangga nito sa nakaparadang motorsiklo kung saan ay nakasakay ang bata na kasama ang ama nito na si Eric Malana Gannaban.

Sa resulta ng pagkakabangga sa mag-ama ay nagtamo ng malalang sugat ang batang si Jake Gannaban na kaagad namang dinala ni Mrs. Suralta sa pinakamalapit na pagamutan ngunit binawian ng buhay ang bata habang ginagamot ng mga doktor sa IDGH hospital sa Ilagan City.

Nasa kustodiya na ng PNP Gamu ang dalawang sasakyan habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang pangyayari.

Facebook Comments