Paiigtingin pa Land Transportation Office region 1 ang mas istriktong pagpapatupad ng ‘crowd control’ sa mga LTO district offices sa buong rehiyon dahil sa pagdagsa ng tao sa tanggapan.
Ayon sa tanggapan, simula nang manumbalik ang operasyon ay halos araw-araw na tumataas ang dami ng tao na nagtutungo at nagtatanong kaya umano hirap sila na ipatupad ang mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng deadly virus.
Dahil dito, nagkaroon na ng mas pinahigpit na scheduling system kung saan lilimitahan ang transaksyon sa loob ng isang araw upang magkaroon ng kabawasan sa dami ng mga tao sa mga district offices.
Istrikto itong ipatutupad dahil kung hindi umano makontrol ay malaki ang tsansa na magkakaroon pa ng mas malaking problema hindi lang sa mga operasyon kundi lalo na sa kaligtasan ng mga empleyado.