COMELEC, hinikayat ang PWDs at mayroong comorbidities na i-update ang kanilang voter information

42

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang persons with disabilities (PWDs) at may comorbidities, kabilang ang mga buntis na i-update ang kanilang voter information para sa pagtatalaga ng accessible polling places (APP).

Ayon kay Jovencio, Balanquit, COMELEC Assistant Regional Election Director sa National Capital Region (NCR), maaaring i-avail ng PWDs at may comorbidities ang emergency accessible polling place sa mismong araw ng halalan.


Pero kailangang i-update nila ang kanilang impormasyon para sila ay italaga sa polling precincts na kombinyente para sa kanilang sitwasyon.

Para naman kay COMELEC Commissioner Socorro Inting na sinisilip na ang posibilidad na payagan ang mga buntis na mag-avail ng absentee voting.

Facebook Comments