*Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr*. *Ricmar Aquino*, Presidente ng Isabela State University (ISU), nakahanda na aniya ang kanilang pamunuan para sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes na magsisimula sa ikalawang Linggo ng Pebrero ngayong taon para sa ikalawang Semester ng SY 2021-2022.
Ayon kay Dr. Aquino, sa pagpapanumbalik ng F2F Classes, may cycle na susundin ang bawat mag-aaral kung saan ay hindi aniya araw-araw ang pagpasok sa eskwelahan ng mga estudyante para maiwasan ang agarang pagkalat ng virus.
Hindi rin aniya lahat ng College level ay magsasagawa ng F2F dahil dipende pa rin ito sa kanilang mga kurso.
Hindi na rin nilagyan ng mga plastic barriers ang mga classrooms na gagamitin subalit mahigpit naman na iimplementa ang physical distancing sa mga mag-aaral.
Kung mananatili naman sa Alert level 3 status ang Isabela sa darating na Pebrero, lilimitahan lamang muli ang bilang ng mga estudyanteng lalahok ng face to face classes.
Ibinahagi rin ni Dr. Aquino na mayroon ng dalawang ISU campus sa probinsya ang nakakuha na ng clearance mula sa LGU at nakahanda nang isumite mga requirements sa CHED para sa pagsisimula ng F2F Classes.
Nananawagan naman ito sa mga di pa nababakunahang estudyante na magpabakuna na para makasali sa pagbabalik eskwela sa Pebrero ngayong taon.