IATF, tatalakayin kung ‘praktikal’ pa rin ang travel ban sa gitna ng banta ng Omicron variant

211

Pag-uusapan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung magpapatupad pa rin ng travel ban ang Pilipinas sa gitna ng pagkalat ng Omicron variant.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kasama ito sa kanilang pag-uusapan sa IATF meeting ngayong hapon.

Batay aniya sa genomic sequencing ay lumalabas na dumadami ang kaso ng Omicron sa bansa.


Aabot na rin aniya ang higit 150 na mga bansa ang apektado ng Omicron.

Naunang sinabi ni Duque na Omicron variant na ang pumalit sa Delta bilang dominant variant sa bansa.

Sa ngayon, mayroong 43 kaso ng Omicron ang Pilipinas.



Facebook Comments