Limited face-to-face classes, may go signal na ni PRRD

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng pilot face-to-face classes.

Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, kailangang pasado sa safety assessment ng kagawaran ang lugar na pagdarausan ng limited face-to-face classes, payag din dapat ang Local Government Unit (LGU) dahil ang mga ito ang siyang magho-host ng limited face-to-face classes, mayroong written consent mula sa mga magulang at nakahanda ang mga pasilidad ng mga paaralan.

Sinabi pa ni Briones na 100 public schools at 20 pribadong paaralan pa lamang ang kasali sa pilot limited face-to-face classes.


Maliban dito, magiging limitado ang kapasidad ng mga estudyante para sa naturang set-up.

Sa Kindergarten ay tanging 12 learners lamang ang lalahok sa face-to-face, habang ang nasa Grade 1 to 3 ay kailangang nasa 16 lamang at ang mga nasa hanay naman ng technical o vocational learners ay lilimitahan sa 20 estudyante lamang.

Sa ngayon, wala pang exact date ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes pero ito aniya ay agad nilang ipatutupad.

Facebook Comments