Limited Face-to-Face Classes sa Health Allied Programs ng University of Saint Louis sa Tuguegarao City, Nagsimula na

Cauayan City, Isabela- Inumpisahan na ngayong araw, Oktubre 26, 2021 ang limited face-to-face classes ng University of Saint Louis Tuguegarao para sa programa nitong Medical Technology.

Alinsunod sa probisyon ng CHED-DOH JMC 2021-001, tanging ang USL ang kauna-unahang unibersidad sa rehiyon dos na pinayagang mag-implementa ng limited face-to-face classes para sa mga health allied students nito.

Ilan lamang sa naging basehan ng CHED upang payagang ang nasabing unibersidad ay pagkakaroon nito ng Campus Health and Safety Committee, reengineering ng mga facilities, at pagbabalangkas ng cyclical shifting model para sa laboratory classes.


Ayon sa MedTech program chair na si Alvin Aldea, RMT, sinisiguro ng paaralan ang istriktong pagpapatupad ng minimum public health protocols para sa kaligtasan ng mga estudyante nito.

Sinabi naman ni Dr. Dindo Asuncion, Academic Dean ng USL’s School of Health and Allied Sciences na isusunod nilang paghandaan ang kanilang Pharmacy program at mga kinakailangang dokumento para maaprubahan din na makapagsagawa sa face-to-face classes.

Facebook Comments