Limited face-to-face classes sa ilang unibersidad at kolehiyo sa Maynila, inumpisahan na

Photo Courtesy: PTV

Nagsimula na ang limited face-to-face classes ng National University (NU) para kanilang nursing at medical technology courses.

Ayon kay Philippine Association of Medical Technologist o PAMET North Luzon Regional Director at Program Chairperson – Department of Medical Technology Edison Ramos, pinaghandaan nilang mabuti ang pagbubukas ng klase para tiyaking ligtas ang kanilang mga medical students.

Aniya, nakapagpasa sila ng mga kinakailangan dokumento sa Commission on Higher Education (CHED), Department of Health (DOH) at lokal na pamahalaan ng Maynila.


Sa medtech program ng NU, dalawang classroom lamang ang bubuksan sa umaga at hapon kung saan 12 na indibidwal lamang ang papayagan kada kuwarto habang nakasuot ng Disposable Personal Protective Equipments (PPEs).

Apat na araw lamang din tatakbo ang face-to-face classes at pagkatapos nito ay mayroon silang sampung araw na online class.

Bukod sa NU, pinayagan din na magsagawa ng face-to-face classes ang St. Jude College, Emilio Aguinaldo College at University of the Philippines o UP- Manila.

Facebook Comments