Limited face-to-face classes, suportado ni Senator Tolentino

Pabor si Senator Francis Tolentino na magkaroon ng limited face–to-face classes sa mga lugar sa bansa na walang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Tolentino, paraan ito para mailaan ang limitadong resources ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng blended modules.

Pero giit ni Tolentino, sa pagsasagawa ng limited face–to-face classes ay dapat tiyakin na mahigpit na masusunod ang health protocols para maprotektahan ang mga mag-aaral at mga guro laban sa COVID-19.


Dagdag pa ni Tolentino, maari ring gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong pasang Republic Act 11480 para i-adjust ang pagbubukas ng klase.

Kung hindi man sa buong bansa ay pwede namang i-adjust aniya ang school calendar sa ilang rehiyon para sa kapakanan ng kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante.

Facebook Comments