Tatlong miyembro ng Criminal gang, arestado sa operasyon ng CIDG sa Pampanga at Bohol

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang isinagawang Oplan Paglalansag Omega ang tatlong miyembro ng criminal gang sa lalawigan ng Bohol at Pampanga kahapon.

Kinilala ang mga ito na sina Erwin Jose, alyas Carlo at Edgar Laxa, alyas Dado na naaresto sa ikinasang entrapment operation ng PNP-CIDG sa Barangay Pampang at Barangay Amsic sa Angeles, Pampanga.

Nakuha sa dalawa ang dalawang caliber .38 revolvers, pitong rounds ng ammunition at boodle money.


Habang sa Brgy. Tangnan, Panglao, Bohol, naaresto naman ang isa pang miyembro ng criminal gang na kinilalang si Joseph Dumayaca, 37 anyos.

Narekober kay Dumayaca ang isang caliber .38 revolver, empty shell ng caliber .357 magnum at tatlong plastic sachets ng suspected shabu.

Sa ngayon, nahaharap sa panibagong mga kaso ang mga suspek matapos makuha ang mga armas at shabu.

Facebook Comments