Limited face-to-face training sa ilalim ng TESDA, pinayagan na!

Kinumpirma ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pinapayagan na ang limited face-to-face training at competency assessment.

Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, hanggang 50% capacity ang papayagan sa mga TESDA Field Offices at training institution.

Pero paglilinaw ni Lapena, hindi pa rin pwede ang mga training na may physical contact gaya ng massage therapy at hilot.


Kasabay nito, nagpaalala ang kalihim sa mga opisina na mahigpit pa ring sundin ang public health and safety protocols at ang contact tracing system.

Samantala, maaari naman ipatupad ang full capacity sakaling ilagay na sa Alert Level 1 ang Metro Manila o hindi kaya’y suspendihin sa oras na isailalim ang lungsod sa Alert Level 5 dahil sa matinding COVID-19 surge.

Facebook Comments