LINAWIN ANG CRITERIA | Senator Villanueva, na-offend sa UST Alumni Association Statement kaugnay sa pagpili ng mga binibigyang pagkilala

Manila, Philippines – Sinabi ni Senator Joel Villanueva na lalabas siyang impokrito kung sasabihin niya na hindi siya na-offend sa naging pahayag ng UST Alumni Association na ang pagpili ng mga binibigyang pagkilala ng asosasyon ay basta graduate ng UST at nagseserbisyo sa gobyerno.

Ito ang naging pahayag ng senador kasunod ng pagbibigay ng UST Alumni Award kay Communication Assistant Secretary Mocha Uson, na una na ring naibigay sa Senador.

Ayon kay Villanueva, dapat linawin ang criteria sa pagbibigay ng pagkilala dahil kung hindi, tila lumalabas na loyalty award lamang ito.


Tumanggi na ring magbigay ng mensahe si Villanueva kay Uson, kung saan sinabi nito na mas maraming issue.

Facebook Comments