Iran – Labilang walo ang sugatan sa naganap na 6.2-magnitude na lindol sa southeastern province ng Iran na Kerman.
Ayon sa National Emergency Service ng Iran, ang mga sugatan ay mula sa Hejdak at Ravar villages.
Napinsala naman ang mga bahay mula sa anim na lugar at kinansela ang mga klase sa lahat ng antas sa mga paaralan.
Matapos ang magnitude 6.2 na lindol, nakapagtala pa ang US Geological Survey ng malalakas na aftershocks na magnitude 6.0 at 5.9.
Noong November 12, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Kermanshah, iran kung saan aabot sa 620 ang namatay.
Facebook Comments