ASUNTO ANG BAGSAK | Boxing Senator Pacquiao, binalaan sa gustong laban kontra MMA champ Mcgregor

Manila, Philippines – Posibleng masampahan ng patong-patong na asunto ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao kung patuloy nitong igigiit ang posibleng laban nito kontra kay two-weight Mixed Martial Arts champion Connor Mcgregor.
Ito ang babala ni Ultimate Fighting Championship President Dana White kay Pacquiao dahil hindi umano pwedeng dumiretso ng negosasyon si Pacman kay Mcgregor nang hindi dumadaan sa UFC.
Giit ni White, nakakontrata pa sa UFC si Mcgregor.
Matatandaang nag-post sa social media si Pacman hinggil sa posibilidad ng laban nila ni Mcgregor sa ibabaw ng ring.

Facebook Comments