Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa ligtas na kondisyon ng 26 Pinoy na natrap sa kanilang hotel sa Sapporo, Japan.
Ito ay matapos tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Hokkaidao.
Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel, nakikipag-ugnayan na sila sa mga na-trap na Pinoy para matiyak na mayroon silang sapat na pagkain, tubig at matutuluyan bago sila makaalis sa Sapporo.
Ang nasabing mga Pinoy ay kasama sa grupo ng mga turista.
Tiniyak naman ng Embahada ng Pilipinas na patuloy rin ang kanilang monitoring sa 1,800 miyembro ng Pinoy community sa Sapporo at ilan pang lugar sa Hokkaido na naapektuhan ng lindol.
Sa mga Filipino na naapektuhan ng lindol, maaari silang makipag-ugnayan sa embahada sa numero: +8180 4928 7979.
Ang mga kaanak naman nila na nasa Pilipinas ay maaaring makipag-ugnayan sa Office of Migrant Workers Affairs sa (+632) 834-4996 at oumwa@dfa.gov.ph sa oras ng trabaho at DFA action center +632 834-3333 or 834-4997 pagkatapos ng office hours.