LINDOL | Indonesia – niyanig ng 6.3 magnitude na lindol

Manila, Philippines – Hindi pa nagbababa ng tsunami alert ang mga US Seismologists kasunod ng pagtama ng
6.3-magnitude na lindol sa silangang bahagi ng Indonesia kagabi.

Namataan ang sentro ng pagyanig sa layong 130 kilometers hilagang-silangan ng tiakur na tumagal lang ng tatlo hanggang limang segundo.

Wala namang naitalang anumang pinsala o casualty.


Naramdaman din ang pagyanig sa kabisera ng Timor-Leste na dili kung saan nagdulot ito ng panic sa mga residente.

Matatandaang niyanig kahapon ng magnitude 7 na lindol ang Alaska at nitong Setyembre naman ng tumama sa Palu sa Isla ng Sulawesi ang 7.5-magnitude na lindol na kumitil sa buhay ng mahigit 2,200 katao.

Facebook Comments