Iran – Isa ang naitalang patay sa pagtama ng magnitude 5.6 na lindol sa southeastern Iran.
Batay sa US Geological Survey, naitala ang pagyanig sa layong 200 kilometro sa southwest ng Zahedan City at may lalim na 26 kilometro.
Ayon kay Rasoul Rashki, provincial head ng Red Crescent Society, ilang kabahayan ang nasira dulot ng lindol.
Patuloy rin aniya bineberipika ang pagkasawi ng dalawang iba pa sa lindol.
Sa ngayon ay nag-deploy na ng rescue teams sa area kabilang ang helicopter-borne.
November 2017 nang yanigin ng magnitude 7.3 na lindol ang Western Kermanshah Province ng Iran kung saan nasa 620 tao ang nasawi.
Habang taong 2003 nang tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Kerman Province at nasa 31,000 tao ang namatay.
Facebook Comments