Naramdaman ng probinsiya ng Pangasinan ang magnitude 6. 1 na lindol kaninang 5: 11 ng hapon na tumagal ng 10-30 na segundo.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Intensity IV sa bayan ng Villasis at Intensity II sa Lungsod ng Dagupan. Ayon kay Ms. Christal Laoang, Research Planning Division ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Pangasinan handa umano ang ahensya sa lindol at iba pang kalamidad ngunit humihingi ito ng partisipasyon ng mga Pangasinense na kung maari maging alerto sila sa ganitong panahon. Sinabi nito naramdaman din din ang lindol sa bayan ng Infanta, Lingayen, Sta. Barbara, Mapandan, Malasiqui, Rosales, Binalonan, Calasiao at Lingayen. Sa ngayon wala pang namomonitor na aftershocks sa Pangasinan. Sa koordinasyon ng ahensya sa bawat bayan wala pa umanong naitatalang danyos ang lindol sa probinsya.
Nagkansela naman ng klase ang iba’t-ibang unibersidad sa Pangasinan para sa kaligtasan ng mga estudyante at pansamantalang nawalan ng supply ng kuryente ang Pangasinan dahil sa lindol ngunit agad namam itong naibalik.
Samantala nagpaaalala si Laoang na huwag kalimutan ang duck, cover and hold, pumunta sa malawaka na lugar at isave ang mga numero ng ibat-ibang ahensya upang agad agad silang marescue at maging ligtas sa lindol.
Lindol naramdaman din sa Pangasinan
Facebook Comments