
Iginiit ni House Committee on Public Works and Highways at Surigao del Sur Representative Romeo Momo Sr. ang pangangailangan na agad maipasa ang House Bill 8500 o panukalang “Philippine Building Act.”
Diin ni Momo, ang malakas na lindol na yumanig sa Myanmar at Thailand ay dapat magsilbing eye opener na kailangan nating umaksyon at maghanda laban sa mga kalamidad tulad ng lindol.
Ayon kay Momo, papalitan o aamyendahan ng Philippine Building Act ang 48-taon ng National Building Code of the Philippines upang mai-update ang standards o pamantayan kaugnay sa planning, design, construction, location at materyales ng mga gusali sa bansa.
Iniuutos din ng panukala ang pagsasagawa ng structural review sa mga gusali na 15 taon o higit pa na nakatayo.
Sabi ni Momo, titiyakin ng Philippine Building Act na ang mga gusali sa Pilipinas, pribado man o pag-aari ng gobyerno, ay kayang maka-survive sa 7.2-magnitude na lindol tulad ng pinangangambahang “the big one.”