Taiwan – Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Taiwan.
Ayon sa weather bureau ng Taiwan, may lalim ang lindol na 31 kilometro.
Wala namang napaulat na pinsalang idinulot ang pagyanig, maliban lang sa naramdaman din daw ito sa kabisera na taipei kung saan umuga ang mga gusali.
Buwan ng Pebrero ngayong taon nang tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Hualien county sa Taiwan na nag-iwan ng halos 20 kataong patay.
Facebook Comments