SWEETNESS OVERLOAD | Paulo Avelino at Fil-Aus model-girlfriend, PDA sa ka-sweetan!

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayong ang pagiging PDA o Public Display of Affction ng aktor na si Paulo Avelino sa kanyang model-girlfriend na si Jodie Tarasek.

Sa mga picture kasi sa instagram ng Fil-Aus model, makikitang sweet na sweet ang dalawa habang nagbabakasyon sa Australia, ang hometown ni Jodie.

May mga picture pa daw na nagpapalitan ang dalawa ng kiss sa cheek at halatang enjoy na enjoy ang mga ito sa isa’t-isa.


Mag-kasama rin ang dalawa ng ipagdiwang ni Jodie ang kanyang 23rd birthday kung saan ipinakilala si Paulo sa mga kaibigan ng dalaga.

Si Paulo at Jodie ay mahigit isang taong nang magkarelasyon.

Facebook Comments