Sa China na lang pag-uusapan ng mga basketball officials ng Pilipinas ang mga bubuo sa national team na lalaban sa 2019 Sea Games.
Ayon kay Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao – hindi pa nila napapag-usapan ng husto ito dahil tutok sila sa FIBA World Cup.
Sinabi ni Guiao na inuunti-unti nila ang Sea Games lalo pa at ilang linggo na lamang bago ang deadline ng pasahan ng roster.
Sa September 2 ang itinakdang deadline ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa pangalan ng mga lalahok na atleta.
Samantala, mapapanood na bukas (August 24) ang quarterfinals series ng nagpapatuloy na DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament.
Maghaharap sa first game ang DZXL RT Xanthone Plus team kontra Gentle Hands Holistic Wellness Center na susundan ng laban sa pagitan ng DWWW/iFM at RMN Head Office.
Magsisimula ang laro ala-1:00 ng hapon na gaganapin sa Pembo Sports Complex sa Makati City.