Lineman ng ISELCO II, Arestado sa Drug Buy Bust Operation!

1370

*Ilagan City, Isabela- *Arestado ang isang lineman ng ISELCO II matapos kumagat sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad dakong alas tres ngayong hapon sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Kelvin Darbin Malana, 32 anyos, at residente ng Brgy. Quirino, Naguilian, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nadakip si Malana matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer sa halagang isang libong piso.

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang libong buy bust money at isang unit ng Cellphone.

Dinala na sa Crime Lab Office sa City of Ilagan ang mga narekober na ebidensya habang dinala naman sa ospital ang suspek para sa kanyang medical examination.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Malana na ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA.

Samantala, si Kelvin Malana ay kabilang sa drug target list ng PNP at PDEA sa buong Lalawigan ng Isabela.




Facebook Comments