Negosyante sa San Mateo, Isabela, Huli sa kasong Estafa!

*San Mateo, Isabela- *Timbog ang isang Ginang matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dos ngayong hapon sa Brgy 3, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyong ng RMN Cauayan, kinilala ang akusado na si Delia Lintao, 55 anyos, negosyante at residente ng Brgy. San Andres, San Mateo, Isabela.

Dinakip ng mga kasapi ng PNP San Mateo si Lintao sa bis ang warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Eric Banasan ng MTC San Mateo, Isabela dahil sa kasong Estafa.


Dinala na sa himpilan ng pulisya si Lintao para sa kaukulang dokumentasyon bago ito dinala sa kanyang court of origin.

Pansamantalang makakalaya si Lintao kung makakapaglagak ng kanyang piyansang labing walong libong piso (P18,000.00).

Facebook Comments