Lingayen Beach dinagsa ng mga beach goers ngayong Semana Santa

Dinagsa ng libong beach goers sa Lingayen beach kasabay sa paggunita ng Semana Santa.
Simula pa noong Lunes Santo nang itaas ang Blue Alert Status ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRMO) ito upang maging alerto at mabilisang pagresponde ng mga rescuer sa kahit anong mga uri ng insidente ang maaaring mangyari sa munisipalidad.
Pinaigting din ng PDRRMO, Provincial Health Office, Pangasinan Police Provincial Office, Bureau of Fire Protection, Coast Guard at ilan pang mga forced multipliers upang mabantayan ang kaligtasan ng mga beach goers at maging ang kaayusan sa lugar.
Samantala, pinaalalahan din ng opisyal ang lahat na nais pang humabol magbeach na iwasang maligo sa dagat tuwing alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon kung saan tirik na tirik ang sikat ng araw. Ugaliin din na maging disiplinado upang makaiwas sa kahit anong kapahamakan.

Facebook Comments