Nagpaalala ang Lingayen Municipal Police Station (MPS) sa publiko na maging mapagmatyag laban sa banta ng kidnapping. Sa pamumuno ni PLTCOL Junmar C. Gonzales, Chief of Police, hinikayat ang komunidad na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.
Ayon sa pulisya, mahalagang maging alerto sa paligid, iwasan ang paglalakad nang mag-isa sa madidilim na lugar, at baguhin paminsan-minsan ang mga rutang dinadaanan upang hindi mabantayan ng mga kriminal.
Pinayuhan din ang publiko na tiyaking ligtas ang sasakyan at transportasyon, maging maingat sa pagbabahagi ng lokasyon sa social media, at turuan ang mga bata na umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kilala.
Hinihikayat din ng Lingayen MPS ang mga residente na agad ireport sa pulisya ang anumang kahina-hinalang sasakyan o indibidwal sa kanilang lugar upang maiwasan ang krimen. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








