Maaga pa lang dagsa na ang mga tao sa mga simbahang katoliko para sa linggo ng Palaspas o Palm Sunday .
Ang Palm Sunday ay ang paggunita ng mga Katoliko sa pagpasok ni Hesus sa Herusalem bago ang kanyang kalbaryo.
Ito rin ang hudyat ng pagsimula ng Semana Santa o Holy Week.
Sa labas ng St Peter Church sa Commonweath Ave , nakahilera ang mga nagtitinda ng Palaspas.
Isang Lane ng Commonwealth ang isinara at inilaan para sa mga tao.
Nasa labas naman nakapuwesto ang mga pulis na nagbabantay , isang ambulansiya at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa Kristong Hari church na kahilera lang ng St Peter church , sa gilid na ng Commonwealth Avenue ginaganap ang misa dahil on going pa ang konstruksyon ng simbahan .
Isinara ang tatlong Lane ng Commonwealth at okupado ng mga taong nagsisimba.
Ayon sa QCPD, naging maayos at tahimik ang unang misa sa mga simbahan na pinaaimulan kaninang madaling araw.
Hindi naman nakaapekto sa daloy ng trapiko ang motorcade na pinasimulan sa Sta. Cruz Church na nagtapos sa Delpan sa Tondo Maynila.