Nanawagan ang isang transport group sa gobyerno na imbestigahan ang lingguhang oil price adjustment sa bansa.
Ayon kay PASANG MASDA President Obet Martin, tila niloloko lamang sila ng mga oil producers dahil bagama’t may rollback nga ay kakarampot lamang ito kung ikukumpara sa mga taas-presyo.
Kailangan aniyang aksyunan ng pamahalaan ang hindi pantay na pagbabago sa presyo ng langis at maging seryoso ang Department of Energy (DOE) sa pag-iimbestiga tungkol dito.
Samantala, mariing tinutulan ng grupo ng mga commuter ang planong higit P5 taas-pasahe sa Light Rail Transit 1 (LRT-1) sa susunod taon.
Iginiit ng National Center for Commuters’ Safety and Protection (NCCSP) na dapat pagandahin muna nito ang serbisyo ng tren bago magtaas ng pasahe dahil hindi aniya matibay na basehan ang pagpapalawak ng imprastraktura ng LRT-1 para hilingin ang dagdag-pasahe.