Subpoena ng DOJ, naipadala na kay Gen. Bantag

Kinumpirma ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit na ipinadala na ng Department of Justice (DOJ) sa last known address ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gen. Gerald Bantag ang subpoena laban dito.

Ayon kay Guhit, barangay captain sa Caloocan ang tumanggap ng subpoena kaugnay ng pagkakasangkot ni Bantag sa Percy Lapid killing.

Kinumpirma rin aniya ng naturang barangay captain na hindi na umuuwi doon si Bantag simula nang maupo ito sa BuCor.


Una nang sinabi ng abugado ni Bantag na handa silang tanggapin ang subpoena sa Baguio City.

Gayunman, sinabi ni Guhit na hindi nila alam kung nasaan sa Baguio si Bantag.

Ang address lamang aniyang ibinigay ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang last known address nito sa Caloocan.

Facebook Comments