Likas sa ating mga pinoy ang pangongolekta ng mga laruan. Mapa vintage o limited edition man iyan. Alam mo ba dito sa Pangasinan mayroong grupo ng kolektor ng mga model kits plastic na kung saan binubuo ito ng iba’t ibang administrator, professionals at mga estudyante galing sa Pangasinan na may interest sa magbuo, pangongolekta at pag customize ng mga plastic figures.
Naimbitahan ang Pangasinan Gundam Builders sa Programang Ifm Tambayan at nagbahagi ng kaalaman kung paano pangalagaan ang mga laruan.
1. Wag hayaang matamaan ng direct sunlight ang mga laruan.
2. Linisin every 2 weeks gamit ng brush.
3. Huwag gamitan ng anumang acid o strong detergent.
4. Ilagay sa kabinet na kung saan hindi maaabot at masisira ng mga bata at panghuli.
5. Bigyan ng Tender Loving Care
Ang grupong ito ay nanghihikayat sa mga mahilig mangolekta at interesadong sumali sa kanila. Hanapin lamang sa Facebook ang Pangasinan Gundam Builders Facebook Group.
Inaanyayahan ang mga taga Dagupan City Plastic Model Builders na dumalo at makisaya sa kanilang Gunpla Builders’ Competition na gaganapin sa December 16, 2017 sa Cora’s Manor Resort. Para sa iba pang detalye bisitahin lamang ang Pangasinan Gandum Builders Facebook Page.