LINISIN | Maruruming estero sa lungsod ng Maynila, inirereklamo

Manila, Philippines – Nananawagan ang mga residente ng Maynila kay Mayor Joseph Erap Estrada na aksyunan at linisin agad ang mga estero sa lungsod.

Ayon sa mga residente ng Juan Luna Street sa Tondo Manila matagal na nilang inirereklamo sa pamahalaang lungsod ng Manila ang masangsang na amoy at maruruming basura sa Estero Dela Reyna sa Juan Luna Tondo Manila pero mistulang nagbingi-bingihan ang alkalde ng naturang lungsod.

Naaksyunan na umano ang masangsang na amoy dulot ng mga sako na may kemikal ng sabon at nakatambak sa lugar pero ang mga basura sa estero at mabahong amoy ng kanal ay hindi pa rin nalilinis ng Manila City Govt.


Mayroon anilang naka-standby na backhoe pero hindi naman gumagana at walang nago-operate upang linisin ang naturang estero.

Facebook Comments