Manila, Philippines – Tinuligsa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang planong pagpapatawag ni Pangulong Duterte ng special session para sa mabilis na pag-apruba ng Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Lagman, bago isipin ang pag-apruba ng BBL ay dapat linisin muna ang panukala ng mga probisyon na labag sa saligang batas.
Isa sa umano sa probisyon nito na salungat sa konstitusyon ay ang pagbuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na papalitan ng Bangsamoro entity.
Sinabi ni Lagman na ang ARMM ay itinatakda sa Saligang Batas kaya hindi ito maaaring gawin sa simpleng pagpapasa ng batas.
Kung gusto itong baguhin ay dapat gawin ang pagamyenda sa Konstitusyon o charter change.
Kung chacha naman ang pag-uusapan ito ay napakahaba pang proseso at hindi pwedeng idaan sa ordinaryong lehislasyon.