Lion-Inspired National Costume ni Miss Universe Cameroon, Obra ng Estudyante mula San Mateo, Isabela

48

Cauayan City, Isabela- Ibinahagi ng Fashion Designer Student mula sa San Mateo, Isabela na si Kennedy Jhon Gasper na ang kanyang obra na National Costume ay gagamitin ng isang kandidata sa 69th Miss Universe 2020.

Mismong ang kandidata ng bansang Cameroon na si Angele Kossinda ang magrarampa ng gawang disenyo ni Gasper.


Sa IG post ng Critical Beauty Philippines, ibinandera ng kandidatang si Kossinda ang kanyang excitement sa pagsuot ng costume na gawang Pinoy.

‘Lion-inspired’ ang disenyo ng National Costume ni Miss Cameroon.

Sa kasalukuyan ay nasa Gateway Florida, USA ang costume na inaasahang mapapasakamay kay Miss Cameroon sa May. 7, 2021.

Isang karangalan naman aniya kay Gasper na mapili na gumawa ng national costume sa isang kandidata ng Miss Universe 2020.



Si Gasper ay kasalukuyang third year college sa kursong BS in Fashion and Textile Technology Major in Fashion Designing sa Central Luzon State University.


Facebook Comments