Gilas 3×3, nagsimula nang mag-ensayo sa Calamba

38
Photo Courtesy: Instagram/ mvpsportsfoundation

Nasa Inspire Sports Academy na sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas 3×3 team para simulan ang kanilang training.

Walong araw silang mananatili sa bubble bago pumunta sa Graz, Austria para sa Tokyo Olympic qualifier na magsisimula sa May 26 hanggang 30.

Ang 6-man national team ay pinangungunahan nina San Miguel Beermen CJ Perez at Mo Tautuaa kasama sina Joshua Munzon ng Terafirma, Alvin Pasaol ng Meralco habang magiging alternatives sina Santi Santillan at Karl Dehesa ng Rain or Shine.


Target ng Gilas 3×3 na maging unang basketball team sa Pilipinas na makakarating sa Olympic makalipas ang 50 taon.

Huling nakasali ang Philippine basketball team noong 1972 Olympics na ginanap sa Munich, Germany.

Facebook Comments