LIPAT-KULUNGAN | 17 miyembro ng sputnik gang sa Pasay City Jail, ililipat sa Manila District Jail

Pasay City – Samu’t saring kontrabando ang nasabat ng mga tauhan ng BJMP, PDEA at Pasay City Police sa isinagawang oplan galugad sa Pasay City Jail.

Alas 5:00 kaninang umaga nang simulan ang paggalugad sa 14 na selda kung saan pinaghubad din ang nasa 1,000 preso.

Kabilang sa nakumpiska ang ilang piraso ng tali na ginagamit sa pamimingwit ng mga kontrabando, kahoy na may pako, ballpen, lapis, lighter at blade.


Walang nakuhang droga pero ayon sa isang operatiba ng PDEA, may nakuha silang mga plastic sachet na karaniwang pinaglalagyan ng shabu.

Ililipat naman sa Manila District Jail ang 17 miyembro ng sputnik gang na pinaniniwalaang pasimuno ng mga iligal na gawain sa nasabing kulungan.

Facebook Comments