Senado, maghahain ng panukala na maglilimita sa kapangyarihan ng PAGCOR

Pinag-aaralan ni Senate President Francis Escudero na maghain ng panukalang batas na maglilimita sa kapangyarihan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang isang regulator na lamang.

Kaugnay pa rin ito sa mga isyu ng krimen na kinasangkutan ng ilang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa na kahit ilang beses na may sinalakay ang mga awtoridad ay walang nahuhuli at puro deportation lamang ang nangyayari.

Puna ni Escudero, dapat ay regulator at hindi operator ang PAGCOR dahil saan naman nakakita na ino-operate ang sariling tanggapan.


Giit pa ng senador, hindi dapat partner at tumatanggap ng porsyento sa pasugalan ang PAGCOR.

Sinabi ng senate leader na ikokonsidera nilang gumawa ng isang batas para maging gaming commission na lang ang PAGCOR at hindi isang korporasyon para magus-supervise na lang sila at hindi na nagpapatakbo ng mga pasugalan.

Facebook Comments